Tuesday, May 20, 2008

Ang Nadarama

Ano nga ba, itong nadarama?
pag nandiyan ka, aking sinta
kaba rito, kaba riyan
bakit nga ba pinagpapawisan
sa t'wing lalapit ka, bakit nga ba?
ikaw lang talaga.

Sadya nga bang ikaw na ang mamahalin?
wala na bang ibang gugustuhin
dito sa aking puso't damdamin
ikaw lang ang nanaisin.

Ngunit hanggang panaginip na lang ba?
ang pagmamahal ko sa iyo, aking sinta
mga pangarap na nais makamit
ngunit ang tadhana, di mo mapipilit.

Ayokong mangarap ng napakataas
at baka madapa't di na maka-iwas
tama na'ng makita ka't mamasdan
sa puso ko'y saya ang nararamdaman.

No comments: