Pagkaganda-ganda nitong kalikasan
Puno ng rikit rito at riyan
buhay at iba't ibang kulay
Ang kalikasan ay siyang taglay.
Iba't ibang ibon ang dito'y dumapo,
mapa-maya man ito o mapa-loro
Umaawit-awit sa tuwina
para bang di tumitigil, ako lamang ay nagtataka!
Kung paghambingin ito sa litrato,
at sa iyong paningin ay di na naglalaho.
ang taglay nitong kakaibang ganda
para bang humahalina sa tuwina.
Ito'y biyayang ipinagkaloob ng Diyos
kaya gamitin ng lubos-lubos
ngunit huwag naman sana nating abusuhin
sa halip, ito'y pakamamahalin.
Ito'y may taglay ding kapayapaan
sa isipan ng bawat mamamayan
kung baga sa langit ito'y paraiso,
huwag sana nating iabuso.
Tuesday, May 20, 2008
Kalikasan
Labels:
The Nature
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment